Sunday, April 27, 2008

the tagalog entry

(warning: completely in tagalog)

dumating na ang pinakahihintay kong mga litrato mula sa images by child's play. astig mga tol, mukha ang guwapo ko sa mga litratong naimprenta nila. maaaring yung ibinigay nilang cd na naglalaman ng lahat ng kuha ng tagapagkuha ng litrato ay hindi naayos at natanggalan ng mga pekas ko sa mukha ngunit pansin pa rin ang galing nila sa pagkuha ng magandang angulo ng isang tao.

kakaiba talaga ang husay nila. pero hindi ko pa nabibigyan ng pagkakataon ang sarili kong i-scan ang mga litrato kong retokado na sa computer kaya eto na munang isang litrato mula sa cd ang ilalagay ko.
-----
at ngayon naman, buhat ng maging mag-irog kami ni janica, laging kay saya ng mga araw ko sa pagbabalik-aral ko ng mga konsepto ko sa aking kurso na kinakailangan pagdildilan ng tiyaga upang makasagot ako sa isa sa mga pinakamalupit na pagsusulit na kukunin ko sa aking buhay.

ang sarap pala ng pakiramdam na may kasama kang dilag na alam mong siyang tunay din na nagmamahal sa iyo. para akong lumilipad sa lubos na kaligayahan. :P

wala nang salitang makapagbibigay hustisya sa aking nadarama.
-----
nabanggit rin lang ang NLE, hinihiling ko lang sana na bahagian niyo ako ng inyong panalangin. nais ko lamang pong humingi ng onting biyaya mula sa Diyos kung kaya't sana'y mabigyan niyo po ako ng onting dasal.

medyo may kaba na po kasi akong nararamdaman kaya kakailanganin ko lahat ng tulong na maaari niyong ibigay.
-----
nicay, sana nababasa mo ito. mahal na mahal kita!

1 comment:

emoterang nurse said...

God bless s boards mo...kayang kaya mu yan...:)